Ang Tanging Ina Nyo!
August 29, 2005
Ang kwentong ito ay natanggap ko po sa isang kaopisina ko. Hindi ko po alam kung sino ang gumawa nito. Hindi ko rin po alam kung ilang kopya na ang lumabas sa internet.
Kung sino man sya, saludo po ako sa kanya dahil talagang tunay na tunay ang mga nilalaman ng kwentong ito. Simple lang pero matatauhan ka. Tunay nga magagaling ang mga Pinoy.
Dahil napapanahon ito, nais ko po muling ipabasa sa inyo ito. Sa palagay ko, hanggang hindi tayo nagbabago, ang kwentong ito ay laging tama at magiging akma sa lahat ng panahon sa buhay nating mga Pinoy.
Ito po ang kwento:
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis.
Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastila. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.
Parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ”Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya.Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.
Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin.Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. ”Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.
Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang.
Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak.
Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. M alaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako.Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa”t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.
Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na.
Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:
“INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko, Pilipinas nga pala.
tag: philippines, pinoy at pilipinas
2005-08-29 15:34:07
Entry Filed under: Posts from old blog. .
1.
bea | July 21, 2006 at 10:46 am
sa totoo lang humanga din ako sa gumawa ng kuwento na to, narinig ko tong kuwento na to sa aking kaklase ito ang ini-report nya sa subject naming phil. lit1, nung una habang binabsa nya ito sa harapan namin bigla akong na-curious nag isip ako bakit kaya ito yung kanyang iniri-report mukhang malayo naman ito sa aming topic at yung mga salitang ginamit ay medyo pangit sa pandinig.. subalit nung matapos na ang kwento natauhan bigla ako … Oo nga tama ang kwento na dapat naman ay MAHALIN MAMAN NATIN ANG ATING INANG BAYAN.. saludo talaga ako kung sinuman ang gumawa nito sana nga maraming mga pinoy ang makabasa nito.
2.
GUEST | January 18, 2007 at 5:21 pm
Alam magbago ka na hindi natin hawak ang buhay natin nakasulat yan sa Bible, Lahat naman tayo nagtitiis sa ibat’ ibang paraan, marahil yon ang kapalaran mo. Lahat tayo ay isinilang na may sariling misyon na ibinigay ng Diyos, kahit sa kabila ng ginagawa ng mga anak mo sa iyo ipakita mo ang pagbago sa sarili, tandaan mo may nagmamahal sa iyo at iyon ang Panginoong Diyos, let your self pray with sincere heart. Magbago ka maraming paraan na hindi ka dapat gumawa ng masama kasi lahat ng gumagawa ng mabuti may bawat kapahawakan na dumadating sa kanila, sa bawat kasuksuklam ay mayroong parusa (TINUTUROAN TAYO NG DIYOS NA MATUTO SA TAMANG PARAAN AT HINDI SA MALI)
3.
myepinoy | January 19, 2007 at 6:20 pm
Guest: I appreciate your comment here. What you have said is all right unfortunately though and sad to say, your comment is misplaced.
Thank you anyhow.